affiliate marketingPaano Madaling Kumita ng Pera

The Official Tambayan ng Bayan

Convert your Points Into LOAD click here
Top posters

You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down Message [Page 1 of 1]

#1default Paano Madaling Kumita ng Pera on Thu Dec 01, 2011 8:39 am

akomismo2011
avatar

avatar
Board Admin
Board Admin
Loading
Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang
trabaho pero buhay milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang
abogado sa NBI.

Imbestigador: Juan, pinatawag ka namin dito dahil naghihinala
kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil
nakapagtatakang namumuhay kang milyonaryo gayong ikaw ay walang tinapos
at walang trabaho. Gusto naming malaman kung paano ka kumikita ng
milyong milyong pera.

Juan: Sir, sa legal pong paraan kong kinikita ang aking mga pera.
Sa pamamagitan po ng pustahan ako po ay kumikita ng daang daang libong
piso. Kung gusto nyo po patutunayan ko sa inyo. Dodoblehen ko po ang
sampung libo ninyo kung makakagat ko ang aking kanang mata.

Imbestigador: Imposibleng makagat mo ang yong mata. Sige, call ako dyan.

Dinukot ni Juan ang kanyang pekeng mata sa kanan at kinagat. Nagulat naman ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: Sir, dodoblehen ko po ang singkwenta mil ninyo kung pupusta kayong kaya kong kagatin ang aking kaliwang mata.

Imbestigador: Yan ang talagang imposible. Paano ka makakakita kung parehong peke ang dalawa mong mata. Call ako dyan!

Kinuha ni Juan ang kanyang pustiso at kinagat ang kaliwang mata. Mangingiyak ngiyak ang imbestigador sa ginawa ni Juan.

Juan: (Pumunta sa dulo ng dalawang metrong mesa ng imbestigador)
Sir, dodoblehen ko po ang ang sandaang libo ninyo kung pupusta kayo na
kaya kong umihi sa basurahan nyo na nasa kabilang dulo ng mesang ito
mula rito sa kinatatayuan ko. Patutunayan ko sa inyo na di mababasa ng
kahit isang patak ang mesa nyo.

Imbestigador: Pinatatawa mo ako, Juan. Iyan ang talagang imposible. Sigurado akong di ka na mananalo sa pustang yan. Kaya, call ako!

Umihi si Juan at dahil sa imposibleng abutin ng ihi niya ang basurahan
sa kabilang dulo ng dalawang metrong mesa ay sinadya na lang nyang ihian
ang mesa ng imbestigador. Napahalakhak ang imbestigador sa tuwa.
Ngunit, tawa rin ng tawa si Juan.

Imbestigador: Eh bakit tawa ka pa nang tawa, eh talo ka na nga ng sandaang libo?

Juan: Sir, natutuwa po ako dahil nanalo po ako ng limang daang
libong piso sa pustahan namin ng abogadong kasama ko. Nagpustahan po
kami na ako ang mananalo kung kayo ay matutuwa kapag inihian ko ang mesa
ninyo.

Abogado: Waaaahhhhh!

Advertising poster


View previous topic View next topic Back to top Message [Page 1 of 1]

New topics

      Permissions in this forum: You cannot reply to topics in this forum