affiliate marketingBatangueno ka ba?

The Official Tambayan ng Bayan

Convert your Points Into LOAD click here
Top posters

You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down Message [Page 1 of 1]

#1default Batangueno ka ba? on Sat Dec 03, 2011 5:37 pm

akomismo2011
avatar

avatar
Board Admin
Board Admin
Loading
Babala: Isang kuwento na tanging tunay na Batangueno laang ang makakaintindi....Po p Dado, C.E.O.

Para sa mga hindi Batangueno... sana maintindihan ninyo....

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat na.

--------------------------------

Pop Dado: Sana ay naintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at nakapulot kayo ng gintong aral.

M.I.B.: Teka, yung 52 Batangueno words naintindihan namin dahil purong Batangueno kami pero ano ga yung gintong aral dine?

Pop Dado: Ala ako'y tagapagkwento laang, bakit hindi ninyo na lang tanungin ang Mamay.

Advertising poster


View previous topic View next topic Back to top Message [Page 1 of 1]

New topics

    Related topics Batangueno ka ba?

      Permissions in this forum: You cannot reply to topics in this forum