affiliate marketingAng 21 Utos ni Bob Ong

The Official Tambayan ng Bayan

Convert your Points Into LOAD click here
Top posters

You are not connected. Please login or register

View previous topic View next topic Go down Message [Page 1 of 1]

#1default Ang 21 Utos ni Bob Ong on Sat Dec 03, 2011 5:45 pm

akomismo2011
avatar

avatar
Board Admin
Board Admin
Loading
ANG 21 UTOS NI
...BOB ONG

1."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo
para
mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng
iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo
kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat
lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod
na araw
ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa t*ng* kundi
pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga
tao rin na di
mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi
ka naman
magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama
sa mga lakad
o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo.
Meron lang
talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o
paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon,
mag-iiba ang
pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha
dahil lang
maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa
anuman. Sa
paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding
pandesal,
maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin
maghintay, kasi
hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung
bida sa
script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran
na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap
ulit ang
taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay
sa paggawa
ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi
lahat ng hindi
mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong
sisihin ang
puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung
magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus
mo na
kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi
sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya
ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o
bituka mo
ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na
pinasasaya ka
nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo
at iniwan
ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang
utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag
nahulog ka,
it's either by accident or talagang t*ng* ka.."

Advertising poster


View previous topic View next topic Back to top Message [Page 1 of 1]

New topics

    Related topics Ang 21 Utos ni Bob Ong

      Permissions in this forum: You cannot reply to topics in this forum